Thursday, October 28, 2010

ang sakit... ang sakit sakit...

hindi ko alam kung ano ang isusulat ko, kasi hanggang sa mga oras na ito, masakit pa rin sa akin ang katotohanan. parang sinampal ako ng realidad ng buhay. straight si mars, at ako naman, bakla....... bakla lang...


last week, nanuod kami ng friends ko ng movie. mga alas 9 na ng matapos ang dalawang movie na pinanood namin. uuwi na sana ako kasama ng mga kaibigan ko ng napatingin ako sa orasan sa celfon ko at naisip ko na nang mga oras na yun, malapit ng matapos ang shift ni mars, hanggang 10 pm kasi ang duty nya. since malapit lang naman yung location ko sa mall kung saan nagwo-work si mars, naisip ko na imbitahan siyang lumabas pagkatapos ng duty nya. mga 9:20 na ng makarating ako sa mall. kitang kita ko siya sa entrance kung saan siya naka-poste. lumapit ako sa kanya at bumati, sabay aya sa kanya na kumain muna kami sandali bago siya umuwi. sabi ko sa kanya na aantayin ko siya kahit gaano katagal. pumayag naman siya. umupo ako sa hagdanan ng mall kung saan tanaw ko pa rin ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon. pagsapit ng alas 10:30 ng gabi, lumabas na siya at sinabi nya sa akin na magbibihis lang daw muna siya sandali. tinungo namin ang kabilang bahagi ng mall kung saan nandoon ang quarters ng mga guard. doon siya nag-bihis habang ako naman ay naghintay sa labas. ang tagal nyang magbihis. naisip ko tuloy na baka lumabas na siya sa exit kung saan hindi ko siya makikita. naghintay pa rin ako. alas 11 na ng lumabas si mars. mas gumwapo siya ngayong hindi na uniform ng security guard ang suot nya. nagulat ako ng sabihin nya na uuwi na raw siya kasi gabi na at kailangan pa nyang pumasok ng maaga bukas ng alas 8. nasaktan ako kasi naghintay ako ng mahigit isang oras para sa kanya pero hindi man lang nya nakita yung effort ko. sinubukan kong yayain siya ulit kaso ayaw talaga nya. ang tanong ko sa sarili ko nuon, bakit siya pumayag noong unang beses na inaya ko siya, bakit nuong pauwi na siya, ayaw na nya? gusto lang ba nya akong paasahin? saktan? magmukhang tanga?


hindi ko siya pinilit! pumayag ako na mag-siuwian na kami. tinanong nya ako kung saan ako sasakay. sinabi ko dun pa sa kabiling kalye. tapos sabi nya na delikado daw maglakad mag-isa, malalim na daw ang gabi at baka ma-holdup pa ako. doon na lang ako sumakay sa kinatatayuan namin. sinabi ko sa kanya na okey lang ako at dapat na siyang umuwi kasi maaga pa siya bukas. hindi pa rin siya umalis. inantay nya na makasakay ako ng jeep. kinilig ako ng mga panahon na yun kasi kahit papano, may concern pala siya sa akin. pero nasaktan pa rin ako.


ilang araw na ang lumipas, dumadaan pa rin ako sa mall kung saan siya nagtatrabaho. pero di gaya ng dati, hindi ko na siya kinakausap. hindi na ako tumatambay sandali kung saan siya nakaduty. pagpumapasok ako sa entrance, tumitingin lang ako sa mukha nya pero hindi ko na siya binabati. hindi rin naman siya nagsasalita. parang hindi kami magkakilala. ang sakit, ang sakit sakit mga teh. gusto ko siya. gustong gusto ko siya. ano ba ang dapat kung gawin??? tulong naman dyan...

Thursday, October 21, 2010

Si Mars...

              


               Some like virgins, some prefer tall men, while some adore and enjoy black hunks. Me? I'ts simple, I prefer men in uniforms. I don't know if it's just me, but I really find them sexy. Ggggrrrrrrrrrr... GRABE, as in! Lalo na kapag medyo hunky ang body, and kapag perfectly fitted yung uniform nila.

               Anyways, this brings me to the title of my blog? Bakit nga ba I'M SECRETLY IN LOVE? Well, ganito kasi yun. A couple of weeks ago, I was strolling in one of the malls here in Cebu. I was alone, kasi yung friends ko attended our review classes for the December Nurse Licensure Exam, and ako naman, nag.absent, jeje! So nag-ikot ikot na lang ako sa Robinsons. Sa kakaikot ko, ayan nangalay ang paa ko at naisipan kung kumain muna. Lalabas na sana ako ng mall para kumain sa favorite kong kainan kaya lang may nakita akong security guard. And take note, he's not an ordinary security guard lang. Grabeeee mga teh, ang GGWWAAPPOO! So ang ending, imbes na lumabas ako ng mall, eh dun na lang ako kumain sa foodcourt ng Robinsons. (doon kasi siya naka.assign noong time na yun) Tapos umupo talaga ako dun sa table na mga 4 meters away lang sa EXIT kung saan sya naka-duty. Kaya naman habang kumakain ako, super glance ako sa maamo nyang face! Grabe talaga, hindi mo aakalain na security guard siya sa porma nya. He was wearing this blue polo and black slocks. Yun kasi ang uniform ng mga naka-duty sa tatlong certain areas ng mall na yun. After a while, na-noticed na nya na paligi akong tumitingin sa kanya. At first, pa.smile-smile pa sya, kaya lang nung tumagal medyo naiirita na sya based on his facial expressions. 

               Hindi ko talaga na-resist yung charm nya, kaya naman yung ginawa ko, I introduced myself to him and asked for his name. Well, itago na lang natin siya sa pangalang MARS. If you're wondering anong itsura nya... he's chinito, medyo maputi, medium built, around 5'6'' or 5'7'' I think, and he's got this bad boy look talaga. Yung tipong rapist na cute, o yung sosyal na adik, parang pinaghalong Champ ng Hale at Aaron Villafor. Medyo ganun!!! In short... yummy talaga!!! Hehe. Nag-usap kami sandali, he was friendly naman pala. He's 23 years old. Single and he's not in a relationship, few months pa lang siyang security guard. He previously worked in SM City Cebu departement store. I wanted to take a picture of him kaya lang nahihiya pa siya. Until now pag.umuuwi ako galing sa review center and I'm alone, I tend to drop by Robinsons para makita siya. Nag-uusap kami sandali tapos umuuwi na  ako. I asked him out one time pero mukhang hindi pa siya comfortable, hindi pa kasi pumapayag. Tinanong nya ko kung anong gagawin namin, sinabi ko naman na mag-iinuman lang kami. Tapos tinanong nya kung ano pa daw gagawin namin after, sabi ko sa kanya yun lang. Tapos nag-smile lang siya. I know that time he was thinking na after namin mag-inuman may gagawin akong masama sa kanya, well.... hindi sya nagkamali. hehe. Pero kung ayaw nya talaga, hindi ko siya pipilitin. Mag-aantay na lang ako ng tamang panahon. Kakaibiganin ko muna siya, and we'll see what will happen next. ( evil grin!!! jeje )


( secretly in love kasi nakaka-in love talaga siya... im not yet in love ha, hmmm pero malapit na... hehe... )
               

                

The Beginning



               October 21, 2010 marks the day of a new chapter in my life. On this day, my blog will begin, and hopefully I will be able to update my blog every now and then. I know that I am not a great writer, anyhow, I just want to write my personal experiences. It's always nice to look back on past things in our lives, and I think blogging is one way to reminisce the past. 

               Blogging for me is also therapeutic. I write whenever I feel down or, when I am happy ( but mostly when i'm sad). I love blog hopping, the first few blogs that I was able to browse were corpcloset.blogspot.com, livingtheexpectations.blogspot.com, justforthetrip.blogspot.com, baklangmaton.blogspot.com, manilagayguy.net and callcentercon.travellerspoint.com. And I must say, seeing updates from these blogs somehow makes my day. And now, here I am, trying to fit in this wonderful and fun world of blogging. 

               This blog will feature my personal experiences ( naughty experiences at that!). If you have any comments, suggestions, or violent reactions..............feel free to comment on my blog. jeje.