Wednesday, April 6, 2011
ULTIMATE SADNESS...
Kung gaano ka-sad ang mukha ng baby na ito, ganun din ako ka.sad ngayon!
Ewan ko ba, I always feel like I'm second best if not walang kwenta.
Matalino naman ako. Hindi naman ako pangit, di nga lang katangkaran. Mabait naman ako sa mga kaibigan ko, lalo na kapag may pera ako, nililibre ko naman sila. Kung alam kong may problema ang tao, hindi na nya kailangang manghingi sa akin ng tulong, kusa akong tutulong. Masaya naman akong kakwentuhan.Sometimes, introvert nga lang. Mahiyain ako, oo. Kapag like ko ang isang tao, kahit anong atraso ng taong yun sa akin, pinapalampas ko na lang. Madali naman akong pakiusapan. Hindi nga lang daw approachable kasi medyo stricto yung look ko.
Ewan ko ba. Alam kong hindi marami ang mga kaibigan ko, konti lang sila. Pero kaibigan ko pa rin sila. Kaya lang ni minsan hindi ko naramdaman na may taong tanggap ako ng buong buo. Yung taong alam kong gustong maging kaibigan ako. Parang ang sakit lang isipin.
All I ever wanted was to belong.
Gusto ko lang naman na may taong mag.enjoy sa company ko, makasama ko mag.stroll sa mall, magkape sa kung saan-saan, magclubbing, magbiking, tumambay sa beach, kumain sa plaza ng siomai, katawanan, kaiyakan, yung masasabihan ko ng sama ng loob, yung taong mangangailangan sa akin kapag may problema sila.
Hay!
I do believe no man is an island. Kaya Lord, kung may kaibigan kang ibibigay sa akin para maging karamay ko sa hirap at ginhawa, ibigay mo na naman oh. Hirap na kasi akong maghintay. ; (
Gustong gusto ko nang umiyak. Na.iiyak na ako talaga. Ang sakit kasi sa loob. Parang ang hirap huminga. Pero hindi ako iiyak. Sayang ang luha ko. Tubig din yun, global warming ngayon, dapat mag-conserve ng water! T . T
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
andito naman ako...pwede mo akong maging friend
ReplyDeletesalamat buendiaboy!!! it means a lot...
ReplyDeleteuy emo! siya lika dito hug kita! :-)
ReplyDeletethank you mac!!! hehe... ; )
ReplyDeleteacceptance is a process... it doesn't go overnight. so be patient.
ReplyDeletethank you wandering commuter...
ReplyDelete