Thursday, October 28, 2010

ang sakit... ang sakit sakit...

hindi ko alam kung ano ang isusulat ko, kasi hanggang sa mga oras na ito, masakit pa rin sa akin ang katotohanan. parang sinampal ako ng realidad ng buhay. straight si mars, at ako naman, bakla....... bakla lang...


last week, nanuod kami ng friends ko ng movie. mga alas 9 na ng matapos ang dalawang movie na pinanood namin. uuwi na sana ako kasama ng mga kaibigan ko ng napatingin ako sa orasan sa celfon ko at naisip ko na nang mga oras na yun, malapit ng matapos ang shift ni mars, hanggang 10 pm kasi ang duty nya. since malapit lang naman yung location ko sa mall kung saan nagwo-work si mars, naisip ko na imbitahan siyang lumabas pagkatapos ng duty nya. mga 9:20 na ng makarating ako sa mall. kitang kita ko siya sa entrance kung saan siya naka-poste. lumapit ako sa kanya at bumati, sabay aya sa kanya na kumain muna kami sandali bago siya umuwi. sabi ko sa kanya na aantayin ko siya kahit gaano katagal. pumayag naman siya. umupo ako sa hagdanan ng mall kung saan tanaw ko pa rin ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon. pagsapit ng alas 10:30 ng gabi, lumabas na siya at sinabi nya sa akin na magbibihis lang daw muna siya sandali. tinungo namin ang kabilang bahagi ng mall kung saan nandoon ang quarters ng mga guard. doon siya nag-bihis habang ako naman ay naghintay sa labas. ang tagal nyang magbihis. naisip ko tuloy na baka lumabas na siya sa exit kung saan hindi ko siya makikita. naghintay pa rin ako. alas 11 na ng lumabas si mars. mas gumwapo siya ngayong hindi na uniform ng security guard ang suot nya. nagulat ako ng sabihin nya na uuwi na raw siya kasi gabi na at kailangan pa nyang pumasok ng maaga bukas ng alas 8. nasaktan ako kasi naghintay ako ng mahigit isang oras para sa kanya pero hindi man lang nya nakita yung effort ko. sinubukan kong yayain siya ulit kaso ayaw talaga nya. ang tanong ko sa sarili ko nuon, bakit siya pumayag noong unang beses na inaya ko siya, bakit nuong pauwi na siya, ayaw na nya? gusto lang ba nya akong paasahin? saktan? magmukhang tanga?


hindi ko siya pinilit! pumayag ako na mag-siuwian na kami. tinanong nya ako kung saan ako sasakay. sinabi ko dun pa sa kabiling kalye. tapos sabi nya na delikado daw maglakad mag-isa, malalim na daw ang gabi at baka ma-holdup pa ako. doon na lang ako sumakay sa kinatatayuan namin. sinabi ko sa kanya na okey lang ako at dapat na siyang umuwi kasi maaga pa siya bukas. hindi pa rin siya umalis. inantay nya na makasakay ako ng jeep. kinilig ako ng mga panahon na yun kasi kahit papano, may concern pala siya sa akin. pero nasaktan pa rin ako.


ilang araw na ang lumipas, dumadaan pa rin ako sa mall kung saan siya nagtatrabaho. pero di gaya ng dati, hindi ko na siya kinakausap. hindi na ako tumatambay sandali kung saan siya nakaduty. pagpumapasok ako sa entrance, tumitingin lang ako sa mukha nya pero hindi ko na siya binabati. hindi rin naman siya nagsasalita. parang hindi kami magkakilala. ang sakit, ang sakit sakit mga teh. gusto ko siya. gustong gusto ko siya. ano ba ang dapat kung gawin??? tulong naman dyan...

2 comments:

  1. Kalimutan u n xa at maghanap kna ng iba. kaibgan lng ang turing nya sayo. wag kna maghangad ng mas b0ngga pa dun. tama n ilusyon. ahaha! sama b? madame p naman mga lalake jan n mlamang n magustuhan mue din.

    ReplyDelete
  2. salamat kaibigan! i've decided... we can be friends... pero if hindi... then fine... i have to focus on my priorities for now... thanks anyways for your thoughts... jeje

    ReplyDelete